Balik sa pagiging COVID-19 Free ang bayan ng Aborlan matapos gumaling at mapauwi na ang nag-iisang nagpositibo sa virus sa nasabing bayan.
Ito ang inihayag ni Dr. Fidel Salazar sa publiko sa pamamagitan ng isang post sa kanyang personal Facebook account.
Ayon sa doktor, ang lone COVID-19 case sa Aborlan na isang 32 anyos na babaeng Returning Overseas Filipino ay nag-negatibo na sa virus matapos ang 21-days quarantine period.
Kinumpirma naman ito ni Mayor Celsa Adier sa panayam ng Palawan Daily News at sinabing maliban sa pagkaka-recover ng nag-iisang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang bayan ay kasabay nitong napauwi ang dalawa pang LSI nan aka-quarantine sa kanilang pasilidad.
“COVID-Free na uli kami at as of now [August 17], apat nalang din na LSIs ang naka-quarantine sa amin kasi may na-release uli kami kanina na dalawa,” ani Mayor Adier.
Umaasa naman ang alkalde na sa pagbabalik ng pagpapauwi sa mga LSIs at ROFs ay wala nang magpo-positibo pa mula sa kanilang mga kababayan.
Discussion about this post