Tatlong beses na umanong nagpadala ng liham si Rev. Father Roderick Caabay sa Alkalde ng Culion na si Mayor Virginia De Vera. Subalit, hindi umano ito tinatanggap ng Alkalde.
“It’s the third (3rd) time I wrote a formal letter inviting them for a formal dialogue, and they never responded. Probably, they don’t have the capacity really to engage into a dialogue in a ‘mature dialogue’. They don’t have the political maturity to think of the good of the whole community and to be able to settle things. Hindi man lang ni-receive, binalik lang talaga sa akin ang sulat ko.”
Ang nais lamang umano ni Rev. Fr. Caabay ay makipagkasundo sa Alkalde at makipag-usap ng maayos.
“I intend to clarify things. Para makita natin kung ano ba yung mga bagay na puwede pagkasunduan at mga bagay na magrespetuhan tayo kasi hindi tayo puwede magkasundo.”
Nag-ugat ang mainit na sagutan ng dalawa sa usapin ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya. Tutol kasi ang Parish Priest sa paghahati habang isinusulong naman ito ng Alkalde. Uminit lalo ang usapin nang magbanta ang Alkalde na tatanggalan ng scholarship ang mga kabataan na sasali sa aktibidad ng simbahan.Para naman kay Mayor Virginia De Vera, ayaw na umano ito makipag-usap pa kay Rev. Father Caabay.
“Ay ako kasi, ayaw ko ng paulit-ulit na lang. Ayaw ko ng parang sirang plaka. Para sa akin kasi, ok na ganito na lang. Gumawa siya ng sa kanya, gagawa din ako ng sa akin. Ayaw ko na ng paulit-ulit na lang. Naguguluhan na ako. Kung galit siya, galit siya ganun na lang. Ayaw ko na makipag-usap sa kanya. Hindi na ako makikipag-usap sakanya.”
Mensahe naman nila sa isa’t isa,“I respect how you feel. But I think as political leaders we go beyond our emotions and look at the needs of our people. Look at the common good. At bahagi ng common good is for all leaders of the community — political, spiritual and even civic leaders to be able to stand together, talk, reconcile, thresh out matters together. At yun nga, magkasundo, pagkasunduan ang puwedeng pagkasunduan.” – Rev. Father Roderick Yap Caabay, Parish Priest, Culion.“Pakialaman na lang niya yung simbahan, wag niya ako pakialaman dito sa LGU.” – Mayor Viriginia De Vera, Municipality of Culion, Palawan.
Discussion about this post