Ilang munisipyo sa sur ng Palawan ang nakaranas ng biglaang pagtaas ng lebel ng tubig dagat na umabot na sa mga kalsada.
Ayon kay Sonny Pajarilla, ang Chief Meteorological Officer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Puerto Princesa, ang pagtaas ng tubig dagat ay dulot ng malakas na hanging Amihan.
“…tuloy-tuloy po yung malakas na hanging Amihan… Yun po yung rason kung bakit po nagkakaroon ng pagtaas yung ating lebel ng dagat.”
Ayon pa kay Pajarilla, inaasahang tatagal pa ang surge hanggang Miyerkules ng hapon ngunit hind na kasing lakas ng naranasan kahapon.
“Ang atin pong Amihan ay inaasahan natin na medyo magtatagal pa… mula bukas hanggang sa araw po ng Miyerkules ng hapon…pagdating ng Huwebes ay we will be not be expecting the same impact ng pag-abot sa kalsada ng mga alon.”
Aniya tumataas ang lebel ng tubig dagat dahil na rin sa frictional drag na nangyayari.
“…kung saan ang direction ng papunta ng hangin mas mataas ang tubig nun sa kabilang side kasi nagkakaroon po ng paghila kasi ang tubig is viscous… Yung tubig naghihilaan yung molecules so dahil doon mayroon po siyang frictional drag. Hinahatak niya yung kapwa niya molecule at consequently tumataas yung lebel kung saan patungo yung malakas na hangin.”
Ipinaliwanag din nito na higit na apektado ang Balabac dahil ito ay may makipot na lagusan o tinatawag na channel port.
“Mas lalo dito sa Balabac dahil ang direksyon ng hangin direktang babanga po yung ating tubig or water flow dito sa Borneo area. Pagbangga po diyan, consequently [ay] magpi-pile up lang din yung tubig at iikot and then hahanap ng dadaluyan. So ang daloy niyan ay dito nga po sa channel na tinatawag nating Balabac Straight.”
Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga mangingisdang may balak pumalaot lalo na ang mga maliliit na bangka na kung maaari ay huwag muna dahil sa inaasahang mataas at malalakas na alon.
“Delikado ang ating hangin [dahil] may kalakasan po yan, nasa 8km/hr. Parang signal number 2 na yan ng isang bagyo . So yung mga dagat natin ay maaalon talaga yan. Ang minimum na alon niyan ay atleast 2.5 meters and then maximum ay 5 meters so delikado po sa ating mga mangingisda lalo po yung mga [maliliit na] bangka dahil di po nila kakayanin at talagang magiging delikado, aanurin po sila. At mayroon po tayong gale warning.”
“Sa ating mangingisda, hintayin niyo po bukas ng gabi lalo’t higit sa Huwebes pwede na po pero ngayon po hindi po talaga medyo malakas pa rin po ang ating hanging amihan na magdudulot ng matataas na alon.”
Discussion about this post