Aprubado na ang tatlong resolusyon na ipinasa ni Board Member Ryan Maminta sa regular session sa Sangguniang Panlalawigan kamakailan upang agapan ang napipintong pagsara ng Napocor. Layon rin ng kanyang mga resolusyon na matulungan ang Napocor sa posibleng pagkaltas ng kuryente partikular na sa south at north ng Palawan na maaring mag-shutdown dahil sa kakulangan ng pondo.
Ayon sa mambabatas, posibleng magbawas at tuluyang mag-shutdown ang National Power Corporation dahil hindi na anya kayang magbigay ng 24 oras na daloy ng kuryente.
“Mayroon tayong tatlong resolutions upang matulungan ang Napocor sa kakulangan nila ng pondo na may pagbabanta ng pag-shutdown. Una nating pagpursige ay sa Energy Regulatory Commission o ERC ang desisyon ito sa petition ng Napocor para sa karagdagang universal charge na P15/KWH. Pangalawa, ang paghihikayat at paghiling sa Department of Budget and Management at Department of Finance na ‘yung pondo ng Napocor sana ay sa panukalang P14 billion ang naaprobahan ay kulang-kulang sa 3 to 5 billion at dapat magkaroon ng augmentation o karagdagang pondo. Pangatlo, iwanan na ‘yung conventional power, fuel na ang gamit na puwedeng mag high-grade na sila sa paggamit ng renewable energy sources,” ani BM Maminta.
Makakatulong din aniya kung sakaling madaliin na ng Energy Regulatory Commission ang pagdedesisyon sa petition ng Napocor para sa karagdagang universal charge missionary electrification upang sa ganoon ay kapag na kolekta nito ang inaasahang revenue, ay magkakaroon na ng pambayad ang Napocor sa mga IPPs sa kanilang operations.
Discussion about this post