Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang mga Board of Canvassers (BOC) at Canvassing and Consolidation System Operators (CCSO) simula Abril 4-5, 2022 sa isang hotel dito sa lungsod para sa pangkalahatang proseso at operasyon o ang tinatawag na General Instructions (GI) bago at pagsapit ng May 9, 2022, national and local elections.
Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Board of Canvassers na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Provincial BOC (a) Chairperson-Provincial Election Supervisor; (b) Vice-Chairperson- Provincial Prosecutor, Schools Division Superintendent (Substituted by Provincial Register or Deeds due to health reason); (c) Member-Secretary – Schools Division Superintendent (Substituted by Provincial Register of Deeds due to health reason)
- City BOC (a) Chairperson – Election Officer; (b) Vice-Chairperson – City Prosecutor; (c) Member-Secretary – Schools Division Superintendent.
- Municipal BOC (a) Chairperson – Election Officer; (b) Vice-Chairperson- Municipal Treasurer; (c) Member-Secretary – District School Supervisor
Mahigit 25 na BOCs at CCSO ang nakatalaga sa buong lalawigan at lungsod at kada isa umano dito ay may tig-iisang Consolidation and Canvassing System Operator (CCSO).
Ayon kay Jomel Ordas, Spokesperson ng Provincial COMELEC, “Dalawang batch ito, nag undergo ng training kahapon [Abril 4, 2022] yung topic nila ay yung general instructions for the board of canvassers… so lahat ng mga members ng board of canvassers ng bawat munisipyo, city at sa provincial level ay sila yung nag undergo ng training kahapon.”
“Ngayon naman yung naka schedule ngayon [Abril 5, 2022] ay yung canvassing consolidation system operators…para naman yan sa operations ng mga canvasser and consolidation system laptop at lahat ng gamit,” dagdag pa nito.
Ayon pa kay Ordas, sa darating na Mayo ay magkakaroon sila ng mga iba’t-ibang aktibidad kaugnay pa rin ito sa kanilang paghahanda sa May 9, 2022 National and Local Elections sa probinsya ng Palawan kung saan sabay-sabay umano ang pagsasagawa nila ng final testing and sealing ng mga vote-counting machine (VCM) at paghahatid ng mga election equipments at iba pa sa mga polling precincts sa munisipyo maging sa lungsod.
“Sa May 4 magko-conduct tayo ng final testing and sealing ng VCM (Vote-Counting Machines) sa lahat yan ng mga munisipyo tiyaka dito sa City sabay-sabay… gagawin yan sa mga polling precincts. Gagawin naman yun sa madaling araw ng election day [May 9, 2022] or mas maaga…pu-puwedeng May 7-8… tinatawag kasi namin diyan early delivery.”
Samantala, sa oras na isarado na ang botohan susunod na dito umano ang pagbibilang ng boto, sunod ang canvassing, susundan ng consolidation at ang panghuli ay ang tinatawag na transmission.
Discussion about this post