Hangad na palakasin ang kooperasyon ng Palawan at United Kingdom ang naging pakay sa pagbisita ni British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.
Kahapon ika-16 ng Agosto, nagkaroon ng media briefing at nabanggit nito ang dalawang hangarin sa kanyang pagbisita una ang United Kingdom bilang bahagi ng Pacific Partnership at ang Puerto Princesa ang host ngayong 2022. At ang kanilang navy ship ay nakiisa naman sa isinasagawang humanitarian assistance at disaster preparedness.
Ayon kay British Ambassador Beaufils, ang British government ay nagpadala ng 25 engineers na tumulong sa muling pagtatayo ng mga community housing sa lalawigan.
Pangalawa, ang pakikipagpulong sa City Government at Provincial Government at mga Civil Society Organizations ito ay upang hikayatin na palakasin ang kooperasyon sa pamamagitan ng kanilang pamahalaan at pag-usapan ang mga environmental issues at mga programa kaugnay sa climate change resiliency sa lungsod at lalawigan.
“So we’re thinking about how do we work with the government both on mitigating climate change and reducing emissions but also on adapting to the unavoidable consequences on climate change and this is what we were doing here in Puerto Princesa,” pahayag pa nito.
Ayon pa sa ambassador, masuwerte ang Palawan dahil sa umano’y mayroon itong mga batas na magpoprotekta sa mga karagatan at kagubatan ng lalawigan na malaki ang tsansa para ito ay mabawasan ang epekto ng climate change.
“Speaking also today with a civil society organization that are very focused on biodiversity and biodiversity conservation. And that is really at the heart of, I think the vision of the province has for eco-tourism and investing in the environment for the benefit of local communities and we want to be a part of that and that was also the key objective of this visit,” pahayag ni Ambassador.
“I think you are lucky you’ve got a very strong environmental law. You got strong laws against illegal logging, and you’ve got a strong law to protect illegal fishing. Ensuring that those are enforced, ensuring that people are monitoring–is really, really important for the environment,” dagdag pa ni Beaufils.
Samantala sa kanyang obserbasyon, sa bayan ng El Nido sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa lugar, dapat ito ay mabigyan ng pansin, magkaroon ng sapat na kaalaman mainam ang komunidad upang sa gayon ay mapanatili ang pristine environment sa lugar.
Dagdag pa nito, bawat indibidwal ay maaring mayroong magagawa kahit pa ito ay maliit na kapamaraanan nang sa ganun mabawasan ang epekto nito, katulad hindi madalas na paggamit ng mga appliances na malakas kumain ng kuryente.
“Sometimes we feel, we don’t have any willpower over this but I don’t think that’s entirely true. I think there is a lot we can do as individuals to change the way that we affect the climate, we should try to find goods and appliances. They are energy efficient so that when they are used they use less energy to produce whatever they can. There’s a lot of option, We have an individual responsibility,” dagdag ni British Ambassador.
Discussion about this post