Noong Lunes, Hulyo 17, matagumpay na idinaos ang State Of Municipality Address o SOMA ni Mayor Cesareo R. Benedito Jr. sa unang taon niyang paglilingkod bilang Punong Bayan ng Brooke’s Point sa Octagon Covered Plaza, Brooke’s Point, Palawan.
Dinaluhan ng mga Barangay Kapitan, kasama ang konseho, mga opisyal ng pamahalaang lokal, at ang Sagguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Mary Jean Feliciano. Kasama rin nila sina Konsehal Sarah Jane C. Abon, Konsehal Richard Balean, Konsehal Ezekiel Rodriguez, Konsehal Nathan Sam O. Lacanilao, Konsehal Jonathan Z. Lagrada, Konsehal Victoriano B. Colili, Konsehal Arturo B. Ferraris, Konsehal Hayati B. Dugasan, Konsehal Singapore S. Juratil, at Hon. Nerilla P. Pacaldo. Naroon din ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina BM Ryan D. Maminta, BM Aris Arzaga, at BM Marivic Roxas. Kasama rin ni Mayor Benedito ang kaniyang asawa at buong pamilya.
Naroon din sa SOMA ang mga kawani ng pamahalaang lokal, mga tauhan sa uniporme, pribadong sektor, negosyante, at mga benepisyaryo ng mga programa at proyekto.
Sa kanyang SOMA, tinalakay ni Mayor Benedito ang mga programa at proyekto na nagawa sa loob ng isang taong paglilingkod ng administrasyong Benedito-Feliciano. Tinugunan ng mga ito ang mga pangunahing pangangailangan ng komunidad, tulad ng Health, Environment, Education, Employment, Agriculture, Resilient Infrastructure, Relocation at Housing, Community at Peace and Order, Tourism, Trade Industry, at Youth and Sports Development. Kasama ni Mayor Benedito ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pagpapahayag ng mga tagumpay na ito.
Bago matapos ang SOMA, Aniya hindi rito nagtatapos ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa taong bayan.
Hinimok niya ang kanyang mga mamamayan na personal na puntahan siya sa tanggapan ng munisipyo kung mayroon silang katanungan o hinaing tungkol sa mga programa ng pamahalaan.
Nais ng alkalde, na siya mismo ang sumagot at magpaliwanag sa mga katanungan ng mga mamamayan.
Kanya rin tiniyak patuloy na maghahatid ang kanyang administrasyon at magbibigay ng serbisyong may puso, serbisyong Benedito para sa bayan ng Brooke’s Point.
Discussion about this post