Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point, Palawan ang state of calamity matapos ang matinding pag-ulan dulot ng shear line, na nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala sa kabuhayan at imprastraktura.
Ayon sa datos, umabot sa 7,546 pamilya ang matinding naapektuhan ng kalamidad. Samantala, tinatayang nasa P41.7 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, habang nasa P24.1 milyon naman ang iniwang epekto sa sektor ng agrikultura.
Sa ilalim ng state of calamity, mas mabilis na maipatutupad ang agarang ayuda at suportang kinakailangan ng mga naapektuhang residente.
Discussion about this post