Arestado ang dalawang lalaki ng mga awtoridad sa bayan ng Taytay, Brgy. Poblacion noong ika-18 taong kasalukuyan.
Kinilala ang mga suspek na sina, Jose Villegas Española, 63 anyos , may asawa, magsasaka, at si Jhuben Villaseñor Española, 30 anyos, binata, magsasaka, pawang residente sa So. Batas, Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan
Bitbit ng awtoridad ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Anna Leah Y. Tiongson- Mendoza, Presiding Judge of RTC BR 164, Roxas, Palawan nitong ika-18 setyembre 2021 sa kasong Frustrated Murder.
naglaan naman ng pyansa sa kaso ang dalawang suspek sa halagang Php200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan
Nasa kostudiya na ng Taytay PNP ang mga suspek para sa tamang desposisyon.
Discussion about this post