Na-rescue ng Vietnamese Fisheries Resources Surveillance ship ang dalawang mangingisda matapos masiraan at lumubog ang kanilang bangka malapit sa Pugad Island sa West Philippine Sea hapon nitong November 9.
Kinilala ang dalawa na sina Jimlan Abdulla, 36 anyos, at Crisanto Civillia Misa, 43 anyos.
Maayos naman ang kalagayaan nila at naihatid na ng Vietnamese authorities sa Philippine Navy na nakabase sa Parola Island.
Discussion about this post