Na-rescue ng Philippine Coast Guard District Palawan sa Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan ang dalawang sakay ng eroplano matapos na mag-emergency landing sa karagatan sakop ng El Nido nitong ika-10 ng Disyembre.
Ayon sa ulat, ganap na 1:06 ng hapon mula Bayan ng San Vicente ang eroplano na RPC979 isang CESSNA 206 type private plane na pagmamay-ari ng Aerohub papunta sa Sangley Point Airport sa Cavite na may kargang 25 boxes ng isda.
At ganap na 1:53 ng hapon ng mag-crash-landing ito dahil nagkaroon ng engine trouble.
Kaya agad nagsagawa ng search and rescue ang PCG- Palawan kung saan nakitang palutang-lutang ang eroplano at dalawang sakay nito sa Duli Beach ng El Nido.
Ligtas na ang dalawa habang patuloy naman ang ginagawang operasyon ng PCG upang maiahon ang eroplano sa dagat.
Discussion about this post