Arestado ang dalawang lalaki na wanted sa batas sa bayan ng Narra. Nahuli ng Narra PNP nitong Enero 23 araw ng Linggo ang wanted person sa Barangay Taritien, Narra Palawan.
Kinalala ang suspek na si Noel De Vera Salbosa, 61 anyos. Inisyuhan ito ng warrant of arrest dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injury.
May inilaang pyansa sa kaso ng suspek sa halagang P60,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Samantala sa bayan ng Rizal hinuli naman ang isang lalaki na wanted sa batas sa kasong 3 counts ng Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in relation to Article 310 of RPC.
Kinilala ang suspek na si Ivan Tapaling Gellada, 20 anyos, sa Purok Malutok Barangay Ransang, Rizal Palawan.
May inilaang pyansa ang Korte sa halagang P30,000.00 at P40,000.00
Kaugnay niyan mananatili parin sa piitan ng pulisya ang dalawa habang hindi pa nakakapagpyansa sa kinauukulan.
Discussion about this post