Matagumpay naisagawa ang Dental Outreach Program noong Agosto 12, Gymnasium Area ng Brgy. Port Barton. sa pamamagitan ni Board Member Juan Antonio E. Alvarez, kasama ang Lokal na Pamahalaan at Provincial Health Office, kasama ang H2S Do. It. Organization at WESCOM Dental Team.
Sa nasabing aktibidad, maayos na napaglingkuran ang mga kababayan sa Barangay Port Barton. Sa kabuuang isandaang (100) benepisyaryo, naibigay ang libreng serbisyong dental tulad ng pagtanggal ng ngipin at paglalagay ng pasta. Ito’y malaking tulong sa mga kababayan nating hindi kayang magbayad para sa mga serbisyong pangkalusugan.
Lubos na nagpapasalamat si Mayor Amy Alvares sa mga nakiisa naglaan ng kanilang oras upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad.
“Ang patuloy na suporta sa mga pangangailangan pang-medikal ng ating mga kababayan ay patunay ng ating layunin na magbigay ng tapat at dapat na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Sa bawat ngiti, nagiging simbolo tayo ng pagmamalasakit at pagkakaisa.”
Discussion about this post