Isang mahinang Brown Hawk Owl na may scientific name na “Ninox Scutulata” ang na-isurender sa opisina ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) noong Lunes, Oktubre 19.
Ayon sa impormasyon mula sa PCSD, na-rescue umano ng isang lokal na residenteng kinilala bilang si Gerald Magbanua ang kuwago noong Linggo, Oktubre 18, sa isang basakan sa Barangay Tagburos, Puerto Princesa.
Nang mapansin umano ni Magbanua na ito ay hinang-hina ay kanya itong iniuwi at agad ring nakipag-ugnayan sa mga empleyado ng PCSD upang higit na maalagaan at tuluyang maisalba ang ibon.
Ayon pa rin sa PCSD, may habang 27cms ang kuwago at ang pakpak nito ay may lapad na 74cms. Ito rin umano ay nagtitimbang ng kalahating kilo.
Noong Lunes ay itinurn-over rin ng PCSD ang naturang endangered na ibon sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) para sa rehabilitasyon at pagpapagaling ng nasabing kuwago.
Samantala, patuloy na nanawagan ang PCSD sa kanilang Facebook page para sa sinumang makakakita ng anumang hayop o wildlife na agad na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan.
Discussion about this post