Pinangasiwaan ng tanggapan ng Gender and Development (GAD) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang capability training para sa Provincial GAD Focal System-Technical Working Group na ginanap sa VJR Hall, Kapitolyo, ika-6 ng Disyembre.
Naging layunin ng programa ang makabuo ng mga proyekto na nakalinya sa gender and development initiatives sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Pinangunahan nina G. Richard Winston Socrates, head ng Provincial GAD Office, Ms. Sharlene Vilches, officer-in-charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), at Board Member Angela Sabando na siyang chairperson ng Committee on Women, Family and Children sa Sangguniang Panlalawigan ang naturang aktibidad.
Ayon kay G. Richard Socrates,”ito ay ginagawa natin para makita kung tayo ay GAD compliant and meron pong binibigay na scorecard ang DILG para naman po ito sa pag-rate kung tayo ay sumusunod sa gender and development concerns,”.
Ipinaliwanag nina Ms. Aizel delos Angeles, Local Government Operations Officer VI at Ms. Mery Sumondong, LGOO VI ng DILG-Palawan ang paggawa ng Gender-Responsive Project Proposal at Accomplishment Report.
Matapos nito ay nagsagawa ng workshop sa mga miyembro ng GAD Technical Working Group na may kaugnayan sa pagbuo ng isang Gender-Responsive Project na makatutulong sa komunidad.
Ito ay isang pamamaraan sa patuloy na pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. V. Dennis M. Socrates sa mahalagang gampanin ng sektor ng kababaihan sa pagbuo ng isang komunidad, kung kaya’t sa pamamagitan ng Community-Based Gender and Development (CBGAD) Program ng kapitolyo ay binibigyang oportunidad, kabuhayan at serbisyong panlipunan ang mga kababaihan sa mga malalayong lugar sa lalawigan na paraan upang mabigyan sila ng pantay na pagtingin sa lipunan.
“Mayroon po tayong Community-Based Gender and Development Program, ito po ay livelihood program natin and at least 5% ng budget natin ay kasama itong livelihood program, gayundin ay may iba’t ibang gender and development-related initiatives po ang bawat tanggapan sa provincial government,” pagbibigay diin ni G. Socrates.
Discussion about this post