Kumbinsido si Palawan Governor Jose Chavez Alvarez na sa loob lamang ng 25 taon ay kayang-kaya na umanong higitan ng Balabac ang tanyag na Maldives Island na patok sa mga turista sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ayon sa pahayag ni Alvarez sa isang interview, higit umanong mas maganda ang mga isla ng Balabac kumpara sa Maldives. Dagdag ng gobernador ay mas “strategic” umano o mas maganda ang lokasyon ng mga isla sa nasabing munisipyo.
“Malayo ang Maldives sa Balabac. Malayo. Maldives are low-lying islands, when the sea level rise goes up in two-meters, maraming isla sa Maldives ang mawawala. Ang Balabac ay elevated, so walang mawawala dito. We just have to control the presence of too much crocodiles,” ani Alvarez.
Naniniwala din si Alvarez na maaring kontrolin o magawan ng paraan ng environment agencies ang suliranin sa mga kinatatakutang buwaya sa nasabing bayan.
“In Florida, humans co-exist with reptiles. Bakit? ‘Yung reptiles ng Florida ay maraming nakakain. Dito maraming unggoy din na nakakain pero hindi maabot dahil mabilis tumakbo. ‘Yung mga aso rito, nadadakma nila, eh kung gutom ang buwaya tao ang kinakain. Ganoon ang sistema dito but we have a way of controlling it,” ani Alvarez.
“Ilagay natin sa isang lugar. Isang sanctuary, then ‘yung mga turista iikot-ikot lang doon, then magkakaroon tayo ng maraming poultry, bibili sila ng manok tapos itapon nila doon sa crocodiles, just like the crocodile farm in Irinajalakuda,” dagdag ni Alvarez.
Sinigurado rin ni Alvarez na bagaman ay mayroong napipintong pagtayo ng isang world-class na resort sa isla ng Bugsuk Island, na isang islang barangay ng bayan, ay mananatiling protektado ang natural na kalikasan na mayroon rito. Kinumpirma rin nito na kasalukuyag nagpapagawa ang isang private corporation ng isang airport sa naturang isla na mas malaki pa umano sa Puerto Princesa International Airport.
Samantala, ang isang international airport na binabanggit ng gobernador ay kasalukuyan namang itinatayo rin sa Barangay Catagupan ng nasabing bayan.
“This island is highly protected. In fact, if you go with me there, I don’t know if papasukin tayo ng kapitan sa airport, it’s all forest. 11,000 hectares of forest,” ani Alvarez.
“This place, Balabac, will two international airport will boom,” dagdag niya.
Ang naturang airport ay mayroong 3.5KM na runway at kasalukuyan nang nalalapagan ng mga pribadong eroplano ng naturang private corporation.
Discussion about this post