Inaasahan ngayon buwan ng Marso ay ganap ng matatapos ang konstruksyon ng Halfway House para sa mga former Rebels sa Palawan. Magsisilbi itong pansamantalang tirahan ng mga nagbalik loob sa pamahalan na sumailalim sa reintegration program.
Nasa 21 na former rebels ang kayang ma accomodate ng pasilidad na sinimulang ipinatayo noong Nobyembre 2020.
Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaña, ito ay pinondohan ng P5 Milyon piso mula sa Department of Interior and Local Government o DILG.
Buong suporta naman ang Pamahalaang panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupaing pinagtayuan ng Halfway House sa Bgy. Irawan lungsod ng Puerto Princesa, maging ang ibang kagamitan sa loob ng halfway house ay ipagkakaloob din ng Provincial Government sa pangunguna ng Chairman ng Palawan Task Force ELCAC na si Governor Jose Ch. Alvarez. (P.R.)
Discussion about this post