Matagumpay pagsasagawa kahapon ng Hulyo 12, 2022, ang kauna-unahang regular na sesyon ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Bise Gob. Leoncio N. Ola bilang Presiding Officer na ginanap sa session hall ng Sangguniang Panlalawigan sa Capitol Compound.
Sa ginanap na Inaugural Session ay nagsama-sama ang mga bago at muling nahalal na opisyales mula sa una, ikalawa at ikatlong distrito ng lalawigan matapos na mabigyan ng mandato ng mga Palaweño sa katatapos na Local and National Elections nitong nakalipas na May 09, 2022.
Ang mga ito ay binubuo nina Board Members Juan Antonio E. Alvarez, Roseller S. Pineda, Winston G. Arzaga, Maria Angela V. Sabando at Nieves C. Rosento ng unang distrito habang sina Board Members Ryan D. Maminta, Al-Nashier M. Ibba, Marivic H. Roxas at Ariston D. Arzaga naman ng ikalawang distrito, at si Board Member Rafael V. Ortega, Jr. ng ikatlong distrito ng lalawigan.
Isinagawa rin ang re-admission ng kasalukuyang Ex-Officio Members na kinabibilangan nina SK Federation President Anyatika Rodriguez; Liga ng mga Barangay- Palawan Chapter President Ferdinand P. Zaballa, at Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) Purita J. Seguritan gayundin ang admission ni Interim Provincial Federation President of Philippine Councilor’s League- Palawan Chapter Al-Shariff W. Ibba sa Sangguniang Panlalawigan.
Maliban sa Bise Gobernador, naitalaga na rin ang iba pang mamumuno sa Provincial Board kabilang sina BM Winston G. Arzaga bilang Chairman Pro-Tempore, BM Roseller S. Pineda bilang Floor Leader habang Assistant Floor Leader naman ng ikalawang distrito si BM Marivic H. Roxas at Assistant Floor Leader ng ikatlong distrito si BM Rafael V. Ortega, Jr.
Maliban dito ay inilatag na rin sa plenaryo ang mga komite na pamumunuan at kinabibilangan ng bawat bokal. Samantala, sa Privilege Hour ay nabigyan naman ng pagkakataon ang mga bagong miyembro ng Junta Probinsyal na makapagparating ng kanilang pasasalamat at mensahe sa mga Palaweño, kaugnay sa mga programang kanilang isusulong para sa kapakanan ng lalawigan at ng mga mamamayan.
Discussion about this post