Nagkaisa para sa Indignation Rally sa Barangay San Nicolas sa bayan ng Roxas, Palawan nitong Marso ika-22, ang Marine Battalion Landing Team-Tres katuwang ang Palawan Provincial Police Office, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company, Roxas Municipal Police Station, lokal na pamahalaan ng Barangay San Nicolas, Sangguniang Kabataan (SK) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Ang Indignation Rally ay pinangunahan ng mga opisyales ng barangay, mga dating miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo at mga mamamayan ng Barangay San Nicolas upang itakwil at tuligsain ang naturang grupo. Kasunod nito ang pagsunog sa watawat ng CPP-NPA-NDF. Patunay lamang ito na wala ng puwang ang naturang grupo sa bawat residente ng Barangay San Nicolas.
Nabatid na ilang beses na itong isinagawa ng MBLT Tres sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Roxas katuwang ang mga miyembro ng PLEDS Cluster, MTF-ELCAC at mga mamamayan sa pakikipag-ugnayan sa Kapatiran ng mga Dating Rebelde (KADRE).
Ang MBLT Tres ay nananawagan sa lahat ng mga Palaweño na magkaisa at magtulungan sa paghangad at paggawa ng kabutihan tungo sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ng bawat komunidad.
Nanawagan rin ang mga dating rebelde na sina Ka Rohan at Ka Jo na walang ibang makakatulong sa mga mamamayan kundi ang pamahalaan at ang Komunistang Teroristang Grupo ay tunay na salot ng lipunan at panira lamang sa ating magandang kinabukasan.
Discussion about this post