Sa online press briefing ng CHD MIMAROPA, binigyang-diin na ang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction o RT-PCR ang siyang gold standard na ginagamit sa pagsusuri sa COVID-19.
Paliwanag ng CHD ng rehiyon sa kanilang inilabas na statement, ang RT-PCR kasi ay kayang ma-detect ang COVID-19 virus sa katawan ng isang tao bago pa man lumabas ang mga sintomas nito.
Sa kabilang banda naman, ang Rapid Antibody-based Test o RAT, ay ang nade-develop na antibodies sa katawan ng isang indibidwal upang labanan ang virus ang kanyang nade-detect.
“Rapid Antibody-based Test kits (RAT) shall not be used as stand-alone test to definitively diagnose or rule-out COVID-19 since it can only determine presence of antibodies and not the viral load itself,” ani CHD OIC – Regional Director Dr. Mario Baquilod sa kanilang inilabas na statement.
Sinabi rin ni Dr. Baquilod na ang mga FDA-approved at RITM-validated Rapid Antibody-based Test kits lang ang maaaring gamitin at ang mga otorisadong health at medical practitioner lang ang maaaring magsagawa ng mga test.
“In light of the high-risk misinterpretation using RDT such as false positive or false negative, we would like to remind everyone that the administration of Rapid Antibody-based Test should be done only by a trained health personnel and only medical doctors can prescribe the use and interpret its result. Thus, it cannot be used for mass testing or self-testing,” dagdag na paliwanag ni Baquilod.
Samantala, pinapayuhan din ng CHD MIMAROPA ang mga lokal na pamahalaan na mag-ingat at maging vigilante sa pagbili ng RAT lalo na’t marami ang lumalabas na iligal na kompanya at nagbebenta ng substandard test kits mula pa ng magsimula ang COVID-19 pandemic.
Discussion about this post