Agad na rumesponde sa bahaging karagatan sa Coron, Palawan, matapos makatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Northeastern Palawan (CGSNEP) kasama ang MEPGroup Coron, mga empleyado ng Paolyn Houseboat, at mga lokal na boluntaryo upang isalba at maiwasan ang pagkalat ng oil spill sa karagatan.
Ayon sa ulat ng CGSNEP, bandang 1:00 ng hating gabi noong Oktubre 9, nang sila ay matanggap na tawag na lumubog ang bangkang S/Y Maaliwalas na may kargang langis malapit sa Coron Island.
Upang hindi magkalat ang langis agad na naglatag ng oil boom ang mga kinauukulan upang maprotektahan ang dagat at mga isda. at maibsan ang posibleng epekto nito sa kalikasan.
Kaugnay nito, agad din nakontrol ng mga kinauukulan ang nasabing pagkalat ng langis.
Discussion about this post