Bilang pagsuporta sa ipinatutupad na programa ng Joint Task Force (JTF)-Peacock ng 3rd Marine Brigade na “Tulungan si kapwa” ay inilunsad ng Joint Task Force South (JTFS) ang programang “Hayahay si Kapwa.”
Sa Facebook post ng Aim High ng Philippine Marine Corps noong ika-13 na naka-tag sa iba’t ibang law enforcement agencies at mga indibidwal sa Lalawigan ng Palawan, malugod nilang ipinaalam sa publiko na lumikha sila ng isang programa na layong tumulong sa mga kapos-palad na mga pamilya sa gitna ng hamong dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito umano ay isang collaborative effort ng mga lokal na pamahalaan at mga matulunging mga pamilya at mga organisasyon na ang mithiin ay maiangat ang kondisyon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ngayon ng COVID-19 Community Quarantine Protocol.
Ang programang “Hayahay si Kapwa” ay inisyal na inilunsad sa mga munisipyo ng Sofronio Espanola, Brooke’s Point, at Bataraza, pawang sa bahagi ng southern Palawan noong Mayo 9, 12, at 13.
Discussion about this post