Base sa air quality surveillance ng Air Visual Earth, makikita na mataas ang antas ng fine particulate matter o PM2.5 sa Palawan at ibang parte ng bansa dahil ito sa forest fire sa Indonesia nito lamang mga nakalipas na mga araw.
Ayon sa Department of Health, ang fine particulate matter ay makakadulot ng malaking panganib sa katawan ng tao dahil ito ay pwedeng pumasok sa baga at posibleng magkaroon ng iba’t-ibang uri ng sakit katulad ng asthma o hika, kanser sa baga, at makapag dudulot ng malubhang sakit sa puso. Lalo itong mapanganib sa mga matatanda at bata.
Mapapansin na dito sa Palawan, makulimlim ang kalangitan at ito rin ay makikita sa iba’t-ibang mga Facebook posts ng mga netizens.
Sa karatig bansa ng Indonesia, partikular ang Malaysia at Singapore, hindi lamang makulimlim ang kanilang kalangitan kundi marami na ang nagkasakit dahil sa usok na ito.
Sa Indonesia, milyong katao na ang apektado dahil sa hindi pa tuluyang maapula ang sunog sa kanilang kagubatan.
Nikapag-ugnayan na ang Palawan Daily News sa regional office ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources subalit wala pa silang pahayag ukol dito
Discussion about this post