Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang 57 anyos na lalaki sa Bayan ng Brooke’s Point dahil sa pagbebenta ng baril na walang lisensiya.
Kinilala ang suspek na si Silvino Ramos dela Peña na naninirahan sa Sitio Tagusao, Brgy. Barong-barong sa nabanggit na munisipyo.
Sa spot report na ibinahagi ng Provincial Police Office Office, nakasaad na dakong 7:15 pm noong Hulyo 18, 2020 ay
isinagawa ang isang joint operation ng Brooke’s Point MPS bilang lead unit, PIU at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Sitio Tagusao, Brgy. Barongbarong, Brooke’s Point
dahil sa paglabag ng isang indibidwal sa RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”
Una umanong nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad buhat sa isang confidential informant na maghanap ng buyer ng kanyang baril si “Alias Beni.”
Kaya sa nabanggit na oras at lugar ng insidente ay naganap ang pakikipagtransaksyon sa suspek at iniabot naman umano niya ang baril sa mga bibili upang kanilang matingnan. Pagkatapos nito ay hinanapan siya ng lisensiya sa baril ngunit bigo umano siyang makapagpresenta nito na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.
Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang isang Norinco pistol cal. 45, dalawang magazine para sa cal .45, nasa 11 of live ammunitions at isang kulay itim na inside holster.
Isinagawa naman umano ang imbentaryo, pagmamarka at ang pagkuha ng mga larawan sa mga nakumpiskang bagay mismo sa lugar ng insidente at sinaksihan ng isang kawani ng media at ni Kapt. Eugenio Caabay ng Brgy. Barong-barong.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na Brooke’s Point MPS ang suspek at ang mga nakumpiskang aytem buhat sa kanya.ele
Discussion about this post