Isang lalaki ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos maaksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Sandoval, Narra, tinatayang isang oras pa lamang ang nakalipas.
Ayon sa paunang ulat, nawalan umano ng kontrol ang biktima at nag self-crash. Agad siyang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ng mga rumespondeng awtoridad.
Bagamat hindi pa opisyal na kinikilala ang biktima, pinaniniwalaang ng mga saksi na siya ay residente ng Aborlan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang alamin ang mga salik na maaaring naging dahilan ng insidente.














