Natagpuang-patay ang isang 24-anyos na lalaki sa loob ng MG 24 Fishing Vessel, Cagayan de Tawi-Tawi ganap na 6:10 PM ng Setyembre 25, 2021.
Ang suspek ay kinilala na si Rosward Agustin Mendoza, 31 anyos, binata, vessel crew, at residente ng Barangay Bagong Bayan, Roxas, Palawan.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office nakatanggap ng tawag ang Brooke’s Point MPS at agad na pinuntahan ang pinangyarihan ng insidente. Doon nakitang duguan at may tatlong saksak sa dibdib ang biktima na si Jeremy Gastador Mendoza, 24 anyos, binata, vessel crew, at residente sa Barangay Cabigsing, Cuyo, Palawan.
Nag-request na rin ang Brookes point MPS na isailalim sa Post Mortem Examination ang bangkay ng biktima.
Samantala, ang suspek ay boluntaryong sumuko sa Philippine Coast Guard Brookes Point at hinatid ito sa Brooke’s point PNP at maharap sa kasong pagpatay ang suspek.
Discussion about this post