Isang kaguluhan ang naganap bandang 12:07 ng hating gabi Pebrero 17, sa isang canteen sa Capitol Fernandez, lungsod ng Puerto Princesa, dahilan upang matawagan ang 911. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at pinuntahan ang lugar upang alamin ang insidente.
Sa imbestigasyon, lumabas na ang isang lalaki, kinilalang si Darwin XXXX, 36 taong gulang, residente ng Brgy. Maningning, ay kumakain ng balot kasama ang isang kaibigan nang biglang may lumapit na mga babae at inalok sila ng bayarang aliw. Tumanggi si Darwin dahil sa mahal na presyo, ngunit lalo siyang pinilit ng mga bugaw matapos niyang maipakita ang kanyang pera. Dahil sa kanilang pangungulit, hinabol pa umano siya hanggang sa loob ng canteen, na siyang nagdulot ng kaguluhan.
Discussion about this post