Isang lalaki ang umakyat sa transmission tower ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa Barangay San Rafael sa lungsod na ito na siyang naging dahilan ng pagkawala ng supply ng kuryente sa buong bayan ng Roxas mula kaninang tanghali, June 28.
Ayon kay NPC officer-in-charge Fred Barrios, inabot ng humigit kumulang dalawang oras ang pakikipag-usap bago maibaba ng rescuers ang lalaki.
“Ligtas naman po s’ya at salamat sa tulong ng Bureau of Fire na silang tumulong sa amin para makababa ‘yong tao,” ani Barrios.
Dagdag ni Barrios, nasa ilalim ng impluwensiya ng alcohol at tila wala sa tamang pag-iisip ang lalaki nang makausap nila ito.
“Iniwan na namin ‘yong lalaki sa barangay kasi wala pang pulis kanina pag-alis namin pero iniwan namin kay kapitan. Initially, may problema yata ‘yong lalaki, parang may malaria at iniwan din ng asawa tapos nakainom kaya umakyat sa tower namin.”
Samantala, naibalik narin aniya ang supply ng kuryente sa bayan ng Roxas bago mag alas-sais ng gabi.
Discussion about this post