Nakahandusay at wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa labas ng kanyang bahay matapos makuryente habang nagpapakain ng kanyang alagang mga manok noong Biyernes ng umaga, Abril 9, 2021, sa Barangay Tabon, Quezon, Palawan.
Sa spot report ng PNP, kinilala ito na si Arthur Intong Nolong Jr, 46 anyos, binata, fish dealer at residente sa Sitio Sabsaban, Barangay Tabon, Quezon, Palawan.
Lumalabas sa imbestigasyon na mayroong nakalagay na live wire sa paligid bilang proteksyon sa mga nais magnakaw ng mga alagang manok, subalit mga bandang alas 7:30 ng umaga noong Biyernes ay aksidente niya itong nahawakan at naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Samantala ang pamilya naman ni Nolong ay hindi na interesadong ipagpatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at naniniwala umano na aksidente ang pagkamatay nito.
Discussion about this post