Upang makapagbigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Palawan, nagsanib-puwersa ang Sui Generis Missions, League of Municipalities of the Philippines (LMP) Palawan Chapter, Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Gob. V. Dennis M. Socrates, Municipal Government of San Vicente, at Philippine Red Cross- Palawan Chapter upang magkaloob ng libreng operasyon, dental procedures, at salamin sa mata sa mga Palaweño.
Ang nasabing aktibidad ay nakatakdang ganapin mula Agosto 18 hanggang 20, 2023 sa San Vicente District Hospital.
Sa ilalim ng liderato ni Sandiganbayan Justice Geraldine Faith A. Econg, magkakaroon ng espesyal na medical mission na magdadala ng mga eksperto sa larangan ng kalusugan mula sa Maynila at Cebu. Kasama sa grupo ng mga espesyalista ang mga surgeons, anesthesiologists, obstetricians/gynecologists, ophthalmologists, general practitioners, dentists, at iba pang medical experts.
Inaasahang magbibigay ang medical mission ng iba’t ibang uri ng serbisyo, na tutugon sa mga pangangailangan sa kalusugan ng lokal na populasyon. Ilan sa mga serbisyong inaalok ay ang mga sumusunod:
60 Laparoscopic cholecystectomy and biliary/laparoscopic hernia
25 Thyroidectomy/salivary/head & neck
10 Mastectomy or 15 cleft lip
22 Gynecologic procedures
20 Anal surgeries
20 Open hernia/hydrocele/varicocele
40 AV fistula
200 Minor lumps and bumps (bukol)
50 Cataract operations
25 Pterygium operations
500 Tooth extractions/pasta
750 Eyeglasses distribution
Surgery consultations
Ang mga indibidwal na interesado sa pagsali sa medical mission o may mga katanungan ay maaring makipag-ugnayan kay Ms. Kim Elaine Lim, Secretariat of Mission, sa numerong 0907-901-8229. Maari rin silang kumuha ng karagdagang impormasyon at magparehistro gamit ang ibinigay na link: https://forms.gle/w7FAPNu6iACBdpN57
Discussion about this post