Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Provincial News

Lima kabilang 2 mga pastor, hinuli sa paglabag sa Wildlife Act

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
September 24, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Lima kabilang 2 mga pastor, hinuli sa paglabag sa Wildlife Act
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Arestado ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) ang limang indibidwal, kabilang na ang dalawang pastor, sa Quarantine Control Point sa Bayan ng San Vicente dahil sa paglabag sa Wildlife Act.

Kinilala ang mga suspek na sina Dominador Quilpio Belitario Jr., 42 anyos, isang pastor, residente ng Brgy. Bancao-Bancao; Stephen Alfonso Nobles Rabang, 67 taong gulang, isang pastor, residente ng Brgy. San Manuel; Panny Liniman Tayam, 41 taong gulang, computer technician, residente ng Brgy. Milagrosa; Antonio Abutay Cahandoc, 44 anyos, drayber, residente ng Brgy. Tagburos; at Elmer de Vera Gabico, 44 anyos, salesman, at residente ng Brgy. San Manuel, mga pawang may asawa at mula sa Lungsod ng Puerto Princesa.

RelatedPosts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

Sa spot report mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), nakasaad na dakong 9:20 pm kahapon, Setyembre 23, 2020, habang nagsasagawa ng checkpoint ang personnel ng San Vicente MPS kasama ang mga tauhan ng Municipal Public Safety and Emergency Program ng Bayan ng San Vicente  sa Quarantine Control Point (QCP) sa Sitio Landing, Brgy. New Agutaya ay naharang nila ang humigi’t kumulang 35 kilo ng endangered Species na “Abalone” na nakalagay sa dalawang mga ice box na dala ng nasabing mga suspek na sakay ng Mitsubishi Strada GLS 3.2 pickup na may plate number na takda umanong iluwas palabas ng munisipyo ng walang kaukulang wildlife special used permit.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa rito, lumapit din umano ang isa sa mga sakay na si Stephen Alfonso N. Rabang at nagpakilalang siya ay isa ring police officer sa pamamagitan ng pagpresenta ng police badge at police identification card sa arresting officer na malinaw na paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of authorities or official function).

Bunsod nito ay agad na inaresto at dinala ang mga subject persons sa San Vicente MPS kabilang na ang mga nakumpiskang mga ebidensiya para sa paghahain ng kasong paglabag sa Section 27 p (f) ng Republic Act 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” may kaugnayan sa Fisheries Administrative Order No. 208 at paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authorities or Official function) naman laban kay Rabang.

Nakasaad sa Section 27 p (f) ng Wildlife Act na maliban na lamang kung pinahihintulutan ng batas ay mariing ipinagbabawal ang pangungulekta, pagha-hunting o pagkakaroon ng mga buhay-ilang at kanilang mga by-products at derivatives. Sa Artikulo 177 ng RPC (Usurpation of official functions) naman, nakasulat na ang sinumang magpapakilalang hawak ang isang official position, kaugnay sa isang person in authority o public officer ng walang legal na basehan upang gawin iyon ay kakaharapin din ang kaukulang kaso.

Sa hiwalay namang panayam, kinumpirma ni San Vicente MPS Chief of Police, PLt. Erickson Dimalaluan na hindi pulis ang isa sa mga subject person na si Rabang.

“Hindi siya police, mayroon [lang] siyang ID, [at] badge—fa-file-lan ko rin siya ng separate case [dahil doon]. Pagdating sa checkpoint, [noong] itse-check na namin, lumapit siya ro’n sa isa [sa mga pulis at sinabing] tropa rin daw siya. Ipinakita niya ang badge niya na basta kamukhang-kamukha ng sa amin pero vinirefy [namin], hindi naman talaga ID namin, ‘yong badge lang kamukha. Bawal talaga ‘yon!” pahayag pa ni PLt. Dimalaluan.

Ayon pa sa hepe ng San Vicente MPS, nakaupo si Rabang sa front seat ng sasakyan na posible umanong ang dahilan ay siya ang kumakausap sa mga bantay ng checkpoint at ipinakikita ang mga iyon. “Yon, pupwede ‘yon sa mga barangay checkpoints, maniniwala, ‘pag pulis, [hindi] siyempre, alam naman namin ‘yon.”

Napag-alaman umano ng pulsiya na mula sa Brgy. Panindigan, San Vicente, Palawan ang nabanggit na mga patay ng abalone ngunit walang permit na ibinibigay ang local na pamahalaan para sa nasabing mga buhay-ilang.

“Vinalidate ko kasi rito sa munisipyo, kung nag-iisyu sila [ng permit para rito], sabi nila, hindi raw talaga; wala raw silang permit na niri-release sa ganyan…. Nang hinanapan namin, wala rin talaga [silang maipakitang mga permit],” dagdag pa ni PLt. Dimalaluan.

Samantala, habang isinusulat naman ang balitang ito ay patungo na sa Lungsod ng Puerto Princesa ang mga tauhan ng San Vicente PNP kasama ang mga naarestong suspek para sa pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa Wildlife Act kaugnay sa Fisheries Administrative Order No. 208 sa Provincial Prosecution Office of Palawan at inihahanda na rin ang hiwalay na kasong paglabag sa Article 177 ng RPC laban pa kay Rabang.

Sa update namang ibinigay ng Chief of Police ng San Vicente MPS ay nakapagpiyansa na ang nasabing mga indibidwal ngayong hapon sa halagang P3,000 kada isa para sa paglabag sa Wildlife Act habang naisampa na rin ang kasong Usurpation of Authority at nakapagpiyansa rin si Rabang ng halagang P30,000.

Tags: hinuli sa paglabag sa Wildlife ActLima kabilang 2 mga pastor
Share153Tweet96
ADVERTISEMENT
Previous Post

CBNC scholars receive allowance

Next Post

Lalaki, arestado sa anti-drug buy-bust operation

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon
Provincial News

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

November 17, 2025
DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan
Provincial News

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

November 17, 2025
CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina
Environment

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
In Palawan, food security and peace are treated as the same battle
Provincial News

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

September 24, 2025
Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores
Environment

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025
Provincial News

Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

September 21, 2025
Next Post
Lalaki, arestado sa anti-drug buy-bust operation

Lalaki, arestado sa anti-drug buy-bust operation

1 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa Puerto Princesa

1 panibagong kaso ng COVID-19, naitala sa Puerto Princesa

Discussion about this post

Latest News

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy

Kids in debt before birth

November 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15190 shares
    Share 6076 Tweet 3798
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11590 shares
    Share 4636 Tweet 2898
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10293 shares
    Share 4117 Tweet 2573
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9712 shares
    Share 3885 Tweet 2428
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9712 shares
    Share 3884 Tweet 2428
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing