Wala ng buhay ng matagpuan ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan matapos matumbahan ng puno sa kasagsagan ng malakas na ulan at pagtaas ng baha sa Brgy. Latog, Taytay, Palawan nitong Nobyembre 26.
Sa impormasyong nakalap ng PDN news team, maghapon at magdamag ang ulan dahilan ng pagtaas ng tubig kung saan nakatira sa bukid at malapit sa ilog ang pamilya Elig.
Ayon kay AJ, isa sa mga residente, tanging ang ama na lang ang naiwan at dalawa nitong anak sa tahanan samantalang ang ina ay kumukuha ng ayuda sa 4Ps at hindi nakauwi sa sobrang lakas ng ulan. Ngunit sa pag-uwi kinalaunan ay nakita na lang nito ang tahanan na nabagsakan ng puno at ang kanyang mister at bunsong anak ay walang mga buhay.
“Ang bahay po nila ay sa bukid tabi ng ilog. At silang tatlong mag-ama ang naiwan sa bukid. Ang misis nya po ay nagkuha ng kanyang 4Ps at hindi rin naka-uwi ng gabi na yon, dahil sa kalakasan ng ulan mula araw hanggang gabi inabot ng madaling araw. At yon po sa kasawiang palad ay natumbahan sila ng kahoy sa loob ng bahay. Dalawa sila ng bunsong anak ang nasawi ang isa ay nakaligtas at nakita ito sa taas ng kawayan,” ayon kay Aj.
Ayon naman kay Justin Sonio pamangkin ng biktima dahil sa lakas ng ulan at biglang pagtaas ng tubig ay bumagsak ang bahay ng knyang tiyuhin dahilan upang matrap ang mag ama sa loob at masuwerteng nakaligtas ang dalawa pa nitong anak na Labing apat na taong gulang at labing dalawang taong gulang, na sumampa sa kawayan.
Humihingi naman ng tulong ang iba pang mga apektado ng sakuna mula sa kanilang bayan.
Discussion about this post