Isang hindi pa nakikilalang magnanakaw ang tumangay ng mahigit nasa P70,000 na halaga ng benta matapos sumalakay sa tindahan ng isang pamilya sa Barangay Coron-Corong, El Nido, Palawan noong Lunes, araw ng Pasko, pasado 6PM ng gabi.
Ayon sa kuha ng CCTV na inupload ni Pearl Barredo, tahasang pumasok ang magnanakaw sa kanilang tindahan, agad na tinutokan ng itak ang kanilang bantay, at nagtagumpay itong makuha ang P70,000 na halaga ng benta noong araw na iyun.
Ang lokal na awtoridad ay kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang identidad ng magnanakaw.
Ipinapahayag rin ng pamilya na handa silang magbigay ng P30,000 na pabuya para sa sino mang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na makakatulong sa paghuli sa magnanakaw.
Hinihikayat ang mga residente na maging maingat at magsumbong ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng kaso.
Naglalabas din ang awtoridad ng paalala sa publiko na paigting ang kanilang seguridad at maglaan ng tamang pag-iingat upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng kanilang mga tahanan lalo pa’t patapos na ang taon.
Discussion about this post