Maayos na ang kalagayan ng isang mangingisda na napadpad sa baybayin ng Sitio Eguit Barangay San Jose De Oro sa bayan ng Araceli, Palawan noong Biyernes, Enero 4.
Ayon kay Christopher Magalona, isa sa mga sumaklolo, ang mangingisda ay kinilalang si Bertgadger Moraca Tapdasa, 50-anyos at residente ng Barangay Concepcion, Agutaya, Palawan.
Anim na araw na umano ito nagpalutang-lutang sa karagatan bago tuluyang mapadpad sa baybayin ng bayan ng Araceli.
“Sa ngayon ay nasa maayos na sitwasyon na ang sakay ng bangka, at alam na rin po ng pamilya,” ani Magalona.
Discussion about this post