Kinumpirma ni San Vicente Mayor Amy Roa Alvarez ang nangyaring ambush sa kanilang bayan kagabi, May 20.
Sa Facebook post ng alkalde, sinabi nito na nakatanggap siya ng reports mula sa Phillipine National Police kung saan ang mga pulis na nagsisilbi bilang frontliners sa kanilang bayan ay tinambangan ng mga armadong grupo sa bahagi ng Itabiak, bandang alas otso ng gabi.
“I have received reports from PNP that our forces who have been serving as COVID-19 frontliners were ambushed along Itabiak at about 8 pm tonight,” kumpirmasyon ni Mayor Alvarez sa kanyang post sa kanyang Facebook account.
Sa kasalukuyan aniya ay nag-aabang parin ito ng iba pang detalye mula sa PNP.
Gayunpaman, tiniyak din ni Mayor Alvarez na ang lahat ng sangay ng pamahalaan ay naka-antabay upang matiyak ang seguridad ng lahat sa kanilang nasasakupan.
“I assure the public that our civilian government and our uniformed forces are at all times committed to protecting and ensuring their safety. I ask for your prayers for our protectors,” dagdag ng alkalde sa kanyang post.
Matatandaan na una nang kinumpirma ng PNP San Vicente ang pag-ambush sa tropa ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company habang binabaybay ng mga ito ang Itabiak Road patungo sa bayan ng San Vicente.
Discussion about this post