Pinaalalahanan ng Department of Education ang mga guro sa lalawigan na Palawan na wala dapat itong panigan sa buong panahong ng plebisito kaugnay sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya. Lalong-lalo na umano ang mga napiling maglingkod sa panahon ng botohan sa Marso 13, 2021.
“Kami po bilang public servant at bilang nasa gobyerno, ang stand po dapat may political neutrality. Kasi yun naman ang dapat, kung ano man ang kinalabasan eh di yoon. Pero kami po dapat yung may political neutrality, maging neutral lang.”
“We have to observe political neutrality. Kasi yun naman talaga ang dapat nating gawin bilang mga kawani ng pamahalaan particularly po sa Department of Education,” Paliwanag ni Dr. Arnie Ventura, Officer in Charge Schools Division Superintendent, DepEd-Palawan.
Ito rin ang binanggit ni Rachel isang botante sa bayan ng Roxas, Palawan na posible makalikha lamang ito ng gulo lalo na kapag ang isang guro ay nakikitaan na may pinapapanigan sa isasagawang eleksyon at makakasira sa imahen ng DepEd.
Aabot umano sa mahigit 12,000 mga guro ang magbibigay serbisyo sa mismong araw ng plebisto at siniguro naman ng DepEd na may kaukulang ‘allowance’ o bayad ang mga ito.
“Nag-update po yung ating mga district supervisor kung sinu-sino pa ang mga teachers na ilalagay para mag-serve sa election. Umabot po sa mahigit na 12,000 na guro at empleyado ng DepEd Palawan ang magse-serve sa election.”
“Mayroon po [na tatanggapin na kabayaran ang mga teacher na mag se-serve sa plebisito], hindi ko pa po alam kung magkano yung [ibibigay] individually o sa chairman o kaya sa member kung magkano mare-receive nila pero mayroon po sila na allowance o pinakabayad sa pages-serve sa election,” karagdagang pahayag ni Dr. Ventura.
Discussion about this post