Pormal ng nanumpa ang mga kinatawan ng Kapit-Bisig Asssociation opisyales at miyembro nito sa JAES Covered Court, Barangay Poblacion, Taytay, Palawan noong ika-25 ng Pebrero.
Ang aktibidad ay may tema na “Ang Tunay na Diwa ng Edsa Revolution ay Pagkakaisa at Pag-unlad,” na pinangunahan ng KADRE Palawan at pakikipagtulungan sa bumubuo ng Palawan Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at PEACE Palawan ay niyakap ng lahat ang Whole of a Nation Approach.
Layunin nito ay upang matapos na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan at Pamahalaan na maaring maging ugat ng dahas at karahasan.
Ang nasabing aktibidad ay sinuportahan ng bawat mga ahensya ng Pamahalaan kabilang ang mga representante ng Marine Batallion Landing Team 3, Regional Mobile Force Batallion, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Taytay Municipal Police Station, Department of Interior and Local Government (DILG) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at mga opisyales ng Barangay Poblacion, Taytay, Palawan.
Dito ay idadaan ang lahat sa proseso upang madinig ang nais ng bawat kasapi ng asosasyon.
Samantala ang mga kasapi at opisyales ng Kapit-Bisig ay ang dating bumubuo ng PLORMM o Pinagkaisang Lakas ng mga Okupante, Residente, Mangagawa at Magsasaka na dati ay kumukuwestyon at tumataligsa sa mga programa ng pamahalaan dahil sa kanilang problema sa lupain.
Ayon sa kinatawan ni Taytay Mayor Christian V. Rodriguez na si Provincial Administrator Robinson Morales ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat may-ari ng tirahan at kalupaan ay bagong samahan na patungo sa tamang landas.
“Maraming salamat sa kaganapang ito iisa ang hangarin at adhikain ang sinimulan ninyo noon may kinalaman sa inyong tirahan at kalupaan at ngayon sa bagong samahan ay pinili ninyo ang tamang landas na hindi idadaan sa dahas kundi sa tamang pamamaraan sa pagtutulungan natin ay unti-unti natin makakamit ang inyong hangarin,” ani Morales.
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga naging problema sa pagitan ng mga kasapi ng dating PLORMM na ngayon ay KAPIT-BISIG Association ay mawawakasan na ang hindi pagkakaunawaan partikular na sa mga lupain sa Taytay, Palawan ay mapapanatili ang upang mapanatili ang katahimikan at kapayaan sa bayan ng Taytay, Palawan.
Discussion about this post