Arestado ang 36 anyos na babaeng miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Orient De Galera Resort, Barangay San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Pebrero 17, 2022.
Ayon sa Police Regional Office Mimaropa, ang suspek ay kinilalang si Riza Mendoza Bonquin, alias “Ka Rizza Mendoza Mesana,” at nagtratrabaho bilang assistant cook sa isang resort.
Si Ka Rizza ay kabilang sa Samahan ng Kilusang Larangang Girelya Ignacio Calabria Magadia, Sub-Regional Military Area-4D since 2001.
Sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 97, National Capital Judicial Region, Quezon City, noong June 8, 2016, naaresto si Bonquin sa kasong kidnapping.
Isa si Bonquin sa mga CTG na umano’y kumidnap kina PFC Michael Rosario Napadas at PFC Romel Sanlatan Javier sa Munisipyo ng Pola, Oriental Mindoro noong Agosto 11, 2004.
Samantala nasa kustodiya na ng Puerto Galera Municipal Police Station ang CTG member.
Sa talaan ng PRO-Mimaropa, 18 miyembro na ng Communist Terrorist Group ang sumuko simula January 1 hanggang February 17, 2022.
Discussion about this post