Naging mainit na usapin sa social media ang mga larawan na kuha umano sa tabi ng Rural Health Unit (RHU) sa Bayan ng Quezon. Makikita sa mga larawan ang mga nakakalat na medical waste gaya ng mga gloves, syringe at iba pang mga basura.
Kinumpirma naman ng Municipal Health Officer (MHO) ng Quezon na sa RHU-Quezon nga kinuha ang mga larawan. Pero hindi umano ito dahil sa kanilang kapabayaan.
“Nakakalungkot man, pero yung kinalalagyan ng aming mga medical waste na nakatabi naman siya. Ang aming area ay wala namang bakod na nakatabi sa aming gusali. Doon namin iniimbak ang aming medical waste sa kanyang safety box. Unfortunately mukhang may gumawa na ikinalat ang mga contents ng aming safety box,” payahag ni Dr. Jing Abiog-Damalerio, Municipal Health officer, Quezon, Palawan.
Dagdag pa ng Municipal Health Officer, maayos nilang nilalagay sa ‘safety box’ ang kanilang mga basura lalo na ang mga medical waste kaya naniniwala siya na sinadya ang pangyayaring ito.
“It’s seems intentional, dahil hindi naman namin doon itinatapon. We know to keep our medical waste kaya nga sa safety box nakalagay siya. I would say, sinadya ang pagkakalat dahil matagal-tagal na panahon na ilang taon na kami sa area ngayon lang nangyari,”
“Nakakalungkot man pero hindi natin maiiwasan na may mga tao rin na, siguro walang mabuting magawa. I’m telling you hindi nami yun ikinalat, hindi namin sinadyang kinalat dahil iniipon namin ang aming medical waste bago ilagay sa safety box,”
Dagdag pa ni Dr. Damalerio sa ngayon ay tinanggal na at inayos na ang mga basura sa lugar at nagpaalala ito sa mga taga-Quezon na sana umano ay huwag pakialaman ang mga gamit na nakaligpit o nakatabi, lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga ginamit ng kanilang tanggapan. Ito ay para na rin sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Discussion about this post