Binigyang-linaw ni suspended Narra Mayor Gerandy Danao ang planong pagtakbo sa susunod na eleksyon bilang gobernador sa isinagawang press conference kaninang umaga Septiyembre 25, 2020.
“Yung mga kagustuhan po ng tao andyan po yan, hindi naman po natin puwedeng pigilan yung gusto nila, pero kailangan pa rin po nating linisin muna ang Narra.”
Dagdag pa ni Danao na hindi niya pa hinahangad ang pagka-gobernador ng lalawigan sapagkat hindi pa aniya tapos ang mga gagawin nito sa Bayan ng Narra.
“Wag na po natin hangarin yung posisyon na napakalaking posisyon po niyan at hindi pa nga po natin tapos gawin yung mga nandyan sa Narra at tatakbo na tayo sa posisyon, hindi po.”
Nang tinanong ng Palawan Daily si Mayor Danao kung may planong tumakbo muli ng pagka-alkalde sa susunod na eleksyon pabirong sinabi, “Hindi na po ako nangarap maging Mayor, Gobernador pa?”
Samantala matapos ang isinagawang press conference kanina ay personal na nakausap ng news team si Mayor Danao kung ano ang kanyang mga gagawin ngayong suspendido siya.
Sinabi ni Danao na patuloy parin siyang mag-iikot at tutulong sa kanyang mga nasasakupan at dito ay tinuldukan niya ang kuro-kuro na tatakbo siya ng pagka-gobernador na hinihiling ng ilang mga Palaweño sa paparating na 2022 Election.
Sinerve kahapon, Septiyembre 24, 2020 ang desisyon ukol sa 20 buwang suspensyon sa mismong tahanan ni Danao sa Brgy. Panacan, Narra dahil sa mga kasong isinampa sakanya ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Narra at maging ni Acting Municipal Mayor Crispin Lumba Jr.
Discussion about this post