Nakatakda nang ipatupad ng National Irrigation Administration ang Devolution Transition Plan partikular na ang kanilang mga proyektong communal irrigation systems na magsisimula sa susunod na taon.
Ayon kay NIA-Palawan Irrigation Management Office Division Manager Engr. Conrado Cardenas, nasa 69 na mga communal irrigation systems sa Palawan ang nakatakdang i-turn over sa mga lokal na pamahalaan simula taong 2022 hanggang 2024.
Ipinaliwanag din ni NIA-Palawan Irrigation Development Officer Glenda Buenavista na nasa ilalim ng pagpapatupad na devolution ang mga proyekto na lalagpas sa 1,000 ektarya kaya pasok rito ang kanilang CIS project.
Sa ngayon, abala ang NIA sa pagsasagawa ng capability building sa mga LGUs para sa pamamahala ng mga CIS. Tinitiyak rin ang mga tulong na maibibigay sa mga irrigators association sa kabila pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamamahala ng proyekto simula sa susunod na taon at ang 1,000 ektarya ay mananatili parin sa kanilang pamamahala.
Nilinaw rin ni Glenda na hindi nila basta-basta bibitawan ang mga proyekto sa mga LGU na sakop nito dahil mananatili ang pagbibigay nila ng technical assistance at iba pang serbisyo na kailangan
Discussion about this post