“Yes, we are ready na.”
Ito ang naging tugon ni Jeremias Y. Alili, Palawan Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) at Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRMO) Head, nang tanungin kung gaano na kahanda ang lalawigan ng Palawan para sa isasagawang vaccination program kapag dumating na ang mga bakuna kontra COVID-19.
“Actually, compared sa ibang provinces, we have the capability to execute’ ‘yung vaccination program dahil nga may mga hospitals tayo…, may mga doctors tayo at may mga medical personnel tayo sa mga municipalities.”
Aniya ang tanging hamon na nakikita ng kanilang tanggapan ay ang paghahatid ng mga bakuna sa ibang munisipyo dahil may mga islang munisipyo ang lalawigan.
“The only challenge that we have is medyo malalayo ‘yung municipalities natin and we have island…and far island…municipalities na kailangang puntahan and medyo mahaba ‘yung ating isla. So ‘yun na lang yung challenge.”
Ayon pa kay Alili, handa na ang PDRRMO kaugnay sa paghahatid ng mga bakuna at magkakaroon din ng ‘real time digitalized documentation’ ng mga mababakunahan.
“…but on our part, kami po sa PDRRMO being the lead agency for logistics, we have already conducted inventory of logistical supports na kailangan dito sa gagawin natin especially sa pagta-transport ng mga vaccines sa mga municipalities. Likewise nag-prepare na rin kami ng aming IT management, pag-digitize no’ng management ng ating vaccination so that mas mabilis ‘yung ating documentation [at] on real time ‘no kung ilan ‘yung nababakunahan at nai-ready na po natin ‘yan.”
Samantala, magsasagawa sila ng simulation ngayong linggo bilang parte ng paghahanda para sa paghahatid ng mga bakuna sa mga munisipyo sa lalawigan ng palawan.
Discussion about this post