Ibinahagi ng Palawan Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Adonis Guzman kasama ang mga Chief-of-Police ng mga Municipal Police Stations na layon nilang maging malaya sa anomang banta ng terorismo ang lalawigan ngayong taon.
Ito ay bahagi ng kanilang inilatag na layunin sa naging New Year’s Call ng nasabing ahensya kaharap si Governor Dennis Socrates kabilang na ang crime prevention, drug clearing, peace and order, at public safety sa lalawigan.
“We targeted na maging insurgency free ang Palawan; bumaba rin ang crime rate compared to last year [2021], mayroon din tayong mga isinasaayos na pasilidad gaya ng bagong gusali ng municipal station at sub-stations… ilan ito sa way forward natin para sa improvement ng buong kapulisan sa Palawan,” pahayag ni P/Col. Guzman.
Pinasalamatan naman ni Socrates ang PPO dahil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa lalawigan.
“I’d like to congratulate everyone for always keeping the peace and order sa Palawan. Peace is an indispensable condition, kaya mahalaga talaga ang inyong kooperasyon sa Pamahalaang Panlalawigan para masigurong ligtas ang lalawigan. Sa ating administrasyon, gusto natin na gumana ang sistema, dahil ‘pag nangyari ito, magiging maayos ang lahat at magreresulta ng kapakanang panlahat,” mensahe ni Gob. Socrates.
Kabilang sa mga panauhing dumalo sa naturang pagpupulong sina Special Assistant to the Governor Engr. Bonifacio Madarcos, Peace and Order Program Head P/Col. Gabriel Lopez (Ret), Bantay Palawan Program Head P/Gen. Reynaldo Jagmis (Ret), at Board Member Anton Alvarez.
Discussion about this post