Nahulog sa isang creek sa National Highway ng Purok 5, Barangay Tagumpay, Roxas, Palawan ang isang kulay puting Toyota Hi-Ace Passenger Utility Van bandang 2PM ng Miyerkules, Enero 3.
Kinilala ang driver nito na si Adrian Demohina, isang 34-anyos mula sa Narra, Palawan at ang kundoktor bilang si Christopher Empig, 47-anyos.
Sa imbestigasyon, lulan nito ang anim (6) na pasahero ang sakay kasama ang dayuhang nationals at apat (4) na lokal na pasahero mula sa Barangay Sibaltan, El Nido, Palawan.
Habang naglalakbay umano mula El Nido patungo sa Puerto Princesa City ang sasakyan ay lumiko ito sa kaliwang direksyon sa isang matalim na kurba sa at aksidenteng nahulog sa creek sa tabi ng kalsada.
Agad namang rumesponde sa lugar ang miyembro ng Roxas MDRRMO at dinala ang mga sakay sa Palawan Rescue Roxas Operation Center sa Barangay Magara, Roxas, ang mga nasaktan.
Ligtas namam ang mga pasahero bagaman may dalawang nagtamo ng mga maliit na pasa at sugat.
Discussion about this post