Nagtapos na ang dalawang araw ng isinagawang “Training of Traineers on Barangay Drug Clearing Program, Advocacy and Drug-Free Workplace Program,” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Palawan na naganap sa Puerto Princesa noong Marso 15 at 16.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PDEA Regional Office MIMAROPA DIR III Gil Cesario Castro sa pakikipag-ugnayan sa nito Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna naman ni City Mayor Lucilo Bayron kasama ang Law Enforcement Unit.
Layunin nitong magkaroon ng kaalaman partikular sa mga komunidad na mapanganib ang ilegal na droga.
Labing tatlong partisipante mula sa Law Enforcement Agency ang sumailalim sa pag-aaral upang maibahagi sa mga komunidad ang nakakabahalang ilegal na droga.
Discussion about this post