Ibang anggulo ang tinitignan ng kapulisan na motibo sa pagpaslang kay Ruben Bediores Goh na tumatakbong konsehal sa bayan ng Aborlan.
Sinabi ni Provincial Director S/Supt Dionisio B. Bartolome, Jr. hindi ito idineklarang election-related incident sa kadahilanan na si Goh ay tumatakbong independent at walang political party na sinalihan sa darating na halalan.
“We looked up the person’s background. Mr. Goh’s background may drug-related cases siya in 2003, but walang confirmation over na-dismiss ng 2010. But sa initial investigation ito talaga ang tinignan natin and then we have also a possible case of mistaken identity which we ruled out later on kasi parang Ruben may kapangalan na Robin something Go din ang apelyido pero nung tintignan nila later on hindi naman ata yun ung tamang motibo,” saad ni Bartolome.
“Hindi naman affiliated sa isang party itong si Mr. Goh and then he’s running independently so walang tension na mangyayare in spite of his death. The second is, it wouldn’t disrupt the electoral process; the conduct of the election. Hindi din po kasi yun ang nga basis na nakikita natin,” dagdag ni Bartolome. Mas malaki pa daw ang posiblidad na personal ang motibo sa pagpatay kay Goh dahil sa pagiging sentenciador nito sa sabungan at sa negosyo nito.
“More or less personal because base of the nature of work parang minsan nagiging sentenciador sa sabungan so yung possible conflicts ng mga decision makings niya. Meron din ibang kuwan, sa business side naman meron nasasama sa business deal so tinitignan talaga natin,” dagdag ni Bartolome.
Sabi pa ni Bartolome ay hindi rin ito nakadagdag sa pagtaas ng political tension sa lugar sakabila ng pagkamatay nito.
Sabi naman ni COMELEC Palawan, Acting Provincial Election Supervisor Atty. John Mark R. Tambasacan na nakikipag tulungan naman ang COMELEC sa PNP at AFP patungkol sa mga election-related incident.
“Sabi ko nga sa provincial director namin ano ba ang action na gagawin ng COMELEC diyan of course sa pakikipagtulungan ng PNP at AFP lagi ko sinasabi sa PNP may mga kung may mga lakad ba na pwede tayo magdagdag ng tao sa Aborlan because of that incident sagot naman sa ‘tin ng PNP as of this time wala naman basis para magdagdag ng tao,” saad ni Tambascan.
Discussion about this post