Ibinasura ng Provincial Board of Canvasser ang hiling ng kampo ni Congressman 2nd District Cyrille Abueg-Zaldivar na itigil ang canvassing sa botong magmumula sa ikalawang distrito at ang gagawing proklamasyon sa mamanalong kongresista ng nasabing distrito.
Nang matapos ang ilang oras na deliberasyon at apila ay ibinasura ito ng Provincial Board of Canvasser na pirmado nina Atty. Urbano Arlando bilang Chairperson at Provincial Prosecutor Atty. Alen Rose Rodriguez.
Ayon kay Jomel Ordas, Spokesperson ng Provincial Comelec, wala sa jurisdiction ang PBOC sa anumang election protests sa ginagawang canvassing ng mga boto dahil ang tanging trabaho nito ay bilangin at i-monitor ang papasok na boto mula sa mga munisipyo.
Napag-alaman umano ng kampo ni Abueg-Zaldivar may mali sa pag imprinta ng dalawang election canvass report na nagkaroon ng dalawang hash code na maituturing umanong iregularidad at posibleng pagdeklara ng failure of election.
Gumagawa na ngayon ng hakbang ang kampo ni Cong. Abuig para sa ilang legal remedies at posibleng i-apila ito sa Comelec National at Court of Appeals. Ayon kay Atty. David Chaim Meregillano, Authorized Representative.
Discussion about this post