Nagtataka ang bagong alkalde ng Bayan ng Narra kung saan napupunta ang mga buwis na nakokolekta mula sa minahan.
Nagtataka si Mayor Gerandy Danao kung bakit ni isang proyekto ay hindi umano nakakaabot sa baya na gayun man ay may malaking share na natatangap ng munisipyo sa minahan.
“’Yang minahan matagal na nilang pinakinabangan pero wala po ako nakitang isang poste na tinayo dito sa bayan ng Narra. Ang tanong ko po diyan kung may share ang munisipyo kinikita diyan sa minahan bakit wala silang proyekto na naiitatayo sa bayan?” pahayag ni Danao.
Dagdag pa niya kung ito ay makakatulong sa mga mamayan at magiging responsible ang minahan ay pwede naman mapagbigyan at pahintulutan.
“Sa sistema po ng pag mimina kung sila po ay responsible mining at makakatulong sa mga mamayan pwede po natin sila pagbigyan pero tayo naman po ay pro development po tayo, may tinitignan din kung yan po ay makakaperwisyo po sa lipunan hindi po natin sila payagan na duamaan dito,” dagdag ng alkalde.
Ibinahagi din ng dating tagapastol ang patungkol sa usapin sa paghahati ng Palawan sa tatlo kung saan ito ay hindi siya magiging hadlang basta nakakabuti sa bayan ngunit kung ito daw ay gagamitin lang sa sariling interes at pamumulitka ay mariin niya na tututulan.
“’Yan po ngayon pinag-uusapan pa, tayo po ngayon sa sistema sa paghahati ng Palawan. Hindi naman po tayo hadlang dyan; iyan po ay makakabuti sa bayan, bakit hindi natin subukan? Pero sa isang banda, kung ‘yan naman po makakasama at aakuin lang ng ilang tao para gawing pamumulitika ay hindi naman po tayo siguro papayag sa ganun,” saad ni Danao.
Sa ngayon may isang minahan ang nag ooperate sa bayan ng Narra.
Discussion about this post