Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Provincial News

Proyekto ng drainage system naiipit sa matinding pagbaha sa puerto princesa

Jane Jauhali by Jane Jauhali
February 12, 2025
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Proyekto ng drainage system naiipit sa matinding pagbaha sa puerto princesa
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Muli na namang nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang barangay sa Puerto Princesa dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan. Apektado ng pagbaha ang mga Barangay Bancao-Bancao, San Jose, San Manuel, Sicsican, Irawan, Iwahig, at San Pedro, kung saan maraming residente ang napilitang lumikas.

Agad namang tumugon ang sampung ahensya ng pamahalaan upang magbigay ng tulong sa mga apektadong lugar. Kabilang dito ang Puerto Princesa City Police Office, PNP Maritime Group, Marine Battalion Landing Team-9, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, City Engineering, Department of Public Works and Highways, at City Disaster Risk Reduction and Management Office.

RelatedPosts

Cong. JCA, ikinatuwa ang naging direktiba ni Mayor Bayron na palakasin ang Night-Time Economy sa Puerto Princesa

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

Sa gitna ng pagbaha, muling nabuhay ang usapin tungkol sa naantalang drainage project ng lungsod. Ayon sa pahayag ni Attorney Jimbo Maristela, lumalabas sa Annual Audit Observation Memorandum (AOM) na ang proyekto, na sinimulan noong Enero 15, 2021, ay dapat sana’y natapos noong Hulyo 8, 2022. Gayunpaman, pagsapit ng katapusan ng 2023, nasa 34.63% pa lamang ang natatapos sa proyekto. Noong Mayo 31, 2024, bahagya itong tumaas sa 36.12%, na nagdulot ng pangamba sa publiko dahil sa matagal nitong pagkaantala.

ADVERTISEMENT

Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, isa sa pangunahing dahilan ng pagkaantala ng proyekto ay ang kawalan ng pahintulot mula sa mga pribadong may-ari ng lupa na madadaanan ng konstruksyon. Sa kabila ng mga isinagawang public consultation, marami pa rin ang tumangging ipagamit ang kanilang lupa.

Sa Barangay San Jose, pito lamang sa 29 na apektadong may-ari ng lupa ang dumalo sa konsultasyon at pumayag sa proyekto. Sa Barangay San Manuel, 40 lang sa mahigit 120 may-ari ang nagbigay ng kanilang pagsang-ayon. Samantala, sa Barangay San Pedro, patuloy na nahihirapan ang engineering team dahil hindi pa tumutugon ang barangay sa kanilang mga sulat.

Dahil dito, tila dumadaan sa butas ng karayom ang pagsasakatuparan ng proyekto. Marami ang nagtatanong kung bakit naaprubahan at pinondohan ang proyekto kahit hindi pa nakukuha ang pahintulot ng mga may-ari ng lupa.

Mga Netizen, Dismayado sa Matinding Baha
Maraming netizen ang hindi napigilang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa social media. Ayon sa kanila, noon ay hindi naman gaanong binabaha ang lungsod, ngunit ngayon ay tila nagmistulang dagat ang ilang bahagi nito.

Kaugnay naman sa isyu ng korapsyon, nilinaw ni Atty. Maristela na walang ebidensyang ninakaw ang pondo ng proyekto, ngunit posible umanong nagamit ito sa ibang proyekto.

“Ang korapsyon kasi ay may iba’t ibang anyo. Ang paggamit ng pera ng gobyerno na hindi natin alam kung saan napunta ay maaari nating tanungin. Hindi kami nag-aakusa, ngunit gusto lang naming ipakita na malaki na ang pondong nagamit, ngunit hindi ito nakikita sa aktwal na kalagayan ng proyekto,” ani Maristela.

Dagdag pa niya, nais niyang ipabatid sa kasalukuyang alkalde, Mayor Lucilo R. Bayron, ang sitwasyon ng proyekto upang matugunan ito. Hindi umano siya naninira ng administrasyon kundi nais lamang niyang iparating ang katotohanan batay sa COA Audit Observation Report.
Sa kabila ng lahat, nananatiling hamon sa lokal na pamahalaan ang agarang solusyon sa problema ng baha at ang maayos na pagpapatupad ng mga mahahalagang proyekto sa lungsod.
Tags: drainage system
Share75Tweet47
ADVERTISEMENT
Previous Post

P120 Milyon proyektong flood control naantala, audit report ibinunyag ang mga kakulangan sa proyekto ng pamahalaang lungsod ng puerto princesa

Next Post

Drug den dismantled, three arrested in occidental mindoro buy-bust operation

Jane Jauhali

Jane Jauhali

Related Posts

Cong. JCA, ikinatuwa ang naging direktiba ni Mayor Bayron na palakasin ang Night-Time Economy sa Puerto Princesa
Provincial News

Cong. JCA, ikinatuwa ang naging direktiba ni Mayor Bayron na palakasin ang Night-Time Economy sa Puerto Princesa

January 14, 2026
Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon
Provincial News

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

November 17, 2025
DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan
Provincial News

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

November 17, 2025
CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina
Environment

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
In Palawan, food security and peace are treated as the same battle
Provincial News

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

September 24, 2025
Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores
Environment

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Next Post
Drug den dismantled, three arrested in occidental mindoro buy-bust operation

Drug den dismantled, three arrested in occidental mindoro buy-bust operation

Ph navy, marines hold amphibious landing drills

Ph navy, marines hold amphibious landing drills

Discussion about this post

Latest News

BLGU Sicsican intensifies info drive on SWM

BLGU Sicsican intensifies info drive on SWM

January 14, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

‘Third world’ is a Cold War relic. Why do we still use it?

January 14, 2026
Cong. JCA, ikinatuwa ang naging direktiba ni Mayor Bayron na palakasin ang Night-Time Economy sa Puerto Princesa

Cong. JCA, ikinatuwa ang naging direktiba ni Mayor Bayron na palakasin ang Night-Time Economy sa Puerto Princesa

January 14, 2026
PNP, hindi magpapatupad ng Suspension of Police Operations ngayong holiday season

PNP eyes wider enforcement vs open-pipe motorcycles, noisy mufflers

January 10, 2026
DOLE grants P1M for fisheries, tourism projects in Buenavista

DOLE grants P1M for fisheries, tourism projects in Buenavista

January 10, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15221 shares
    Share 6088 Tweet 3805
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11623 shares
    Share 4649 Tweet 2906
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10296 shares
    Share 4118 Tweet 2574
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9846 shares
    Share 3938 Tweet 2462
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9724 shares
    Share 3889 Tweet 2431
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us