Ibinahagi ni Puerto Princesa City Administrator Atty. Arnel Pedrosa na wala pa umanong lumalapit sa kanilang tanggapan na nais magsampa ng reklamo o kaso laban sa ngayo’y suspended Palawan Department of Education (DepEd) Schools Division Superintendent (SDS) Dr. Natividad Bayubay sa paglabag nito sa health and safety protocols matapos itong dumating noong January 5 sa lungsod ng Puerto Princesa at dumiretso sa kaniyang opisina nang hindi dumadaan sa nire-require na quarantine ng Incident Management Team (IMT).
“So far, wala po tayong nata
Aniya, naghihintay lamang sila ng indibidwal na may ‘first-hand’ na kaalaman tungkol sa nangyari na lumapit at magsampa ng reklamo.
“Nag-aantay lang din naman tayo. Hindi kasi puwedeng tayo mismo ang maging complainant kasi wala tayong personal na knowledge. Dapat merong personal knowledge yung maghahabla.”
Dagdag pa ni Pedrosa na maaaring sa loob lamang na anim (6) na buwan ang pagkakataong puwedeng ireklamo si Bayubay.
“Well, hangga’t hindi pa naman nagpre-prescribe yung violation [ay] pwede siyang isampa o puwedeng magkaroon pa ng tao na pwedeng magsampa ng reklamo. Anytime ay available naman ‘no pero hangga’t yan ay during within the prescriptive period lang. Paglumampas doon ay baka hindi na. Parang baka 6 months lang yan eh.”
Sa naging panayam ni Pedrosa sa Palawan Daily News noong January 8 ay ibinanggit nito na kahit sinong mamamayan ang posibleng magdemanda or magreklamo kay Bayubay.
“Public offense naman siya na yung safety and health ng publiko ang naapektuhan pero pwede rin naman ang city government basta’t meron lang complainant at saka may tetistigo If someone or if somebody will come forward filling a complaint, tapos mag-e-execute kayo ng affidavit, mayroong tetistigo na [may] executed na affidavit na sinasabi na lumabag sa mga health and safety protocols itong binabanggit na tao possible naman po yun,”
Discussion about this post